Change of Heart: Schooling in the Midst of Pandemic

So, ito na nga. Plano na talaga namin na huwag i-enroll ang mga bata dahil ayaw namin ng face-to-face interaction. Hindi uubra ang homeschooling dahil magastos (as per checking ko ng tuition fee nila, mas mahal pa sa current TF sa private school ni Lourd. Hehe) at kain oras para sa akin na magtuturo while working. Alangan din ako noong una sa online schooling dahil maiksi ang attention span ng mga bata.
Dahil kasama na sa plano ko ang turuan sila kahit 2 oras araw-araw. Nagtatanong-tanong na ako ng mga dapat kong ituro at kung paano ako gagawa ng lesson plan. Tapos may nakausap akong kaibigan na may offer daw ang DepEd for public school students na pwedeng magpatuloy mag-aral kahit hindi gumamit ng gadgets for online schooling.
Nabalitaan ko na may option for modular learning (edit: blended pala sya with online classes pero mas focus on modular since naiintindihan ng DepEd na may ibang pamilya na hindi kakayanin ang online classes). They will provide modules for students para sa lessons, syempre malaking parte nito ang magulang na syang gagabay sa mga estudyante. So naisip ko, since maglalaan din naman ako ng oras at pagod para magturo, mas maigi na i-enroll ko na lang muna sila sa public school para ma-guide ako ng mga guro. At least, hindi ako gagastos for tuition fee. And at the same time, they will keep on learning. So ayun, change of heart ako about this issue. Kailangan ko pa ng dagdag na paliwanag mula sa mga kaibigan kong guro mismo para mas maintindihan ko ang nilalatag nilang plano para sa mga mag-aaral.
Ang tanong nyo siguro, bakit okay sakin na ilipat sila ng public school kesa magpatuloy ng pag-enroll sa private school? Simple. Para makatipid sa pera since limited na ang resources namin financially at hindi na sure ang mga mangyayari sa mga susunod na araw, linggo at buwan. For the past 3 months, ang hirap i-budget ng sweldo (haha), so yes, ang dahilan ko ay para makatipid. Isa pa, magsisilbing trial ang option na ito (both for private and public schools). Pwedeng maging success, pwedeng maging failure. Kung hindi talaga uubra ang learning strategy, pwede ihinto sila kesa mahirapan pareho ang guro, magulang, at estudyante. So, kung sa part ko, sayang ang tuition. Yes! At least hindi ako maglalabas ng malaking pera kung di man maging okay ang outcome. At mas masaya na kung maging success sya, eh nakalibre sila ng pag-aaral.
Pero syempre, desisyon pa din ng magulang yan. Pwede mo ipagpatuloy mag-enroll sa private school kung may pera ka naman at resources. Pwede ka din mag-homeschool kung kaya mo naman. At pwede mo din namang pahintuin sa pag-aaral kung sa tingin mo ay hindi talaga kakayanin ng pamilya nyo. Subalit gusto ko lang i-share na hinahanapan ng solusyon yan hindi lang ng DepEd kundi ng mga guro din. Iniisip din nila na hindi lahat kaya mag-online classes or kung sa modular man, iniisip din nila yung estudyante na walang kasama sa bahay na may kakayanan magturo at magpaunawa ng lessons sa mga bata. Problema yan ng halos lahat ng guro ngayon. Kaya mas mabuti kug makikipag-usap kayo sa kanila para mas maliwanagan.
Ito lang siguro ang magiging hadlang para matutukan ko ang mga bata sa pag-aaral. Hahaha. So, pag nag-start na ang klase, kailangan kong ihinto ang kaadikan ko sa K-Drama. Every weekend na lang ang panonood. Huhu
enroll kdrama
Ito yung last post ko about We Are Delaying Their Schooling For a Year and That Is Okay at kung bakit ayaw ko sana noon na mag-enroll.

Quarantine Party: Lourd’s 7th Birthday

Yung sobrang excited ng Nanay for 7th birthday party ni Kuya Lourd tapos hindi pala matutuloy dahil sa ECQ. Killjoy talaga itong pandemya na ito eh. Bwisit kang Covid-19 ka, go away na daw sabi nila Lourd at Mica. Pero syempre, palaging may paraan para mapasaya at mairaos ang mahalagang araw na ito para kay Lourd James.

Last year ko pa iniisip kung swimming party since summer tatapat o kiddie party sa Jollibee para mas makatipid ang Nanay (haha!). Ay syepmpre doon tayo sa mas makakatipid ang Nanay. So, ayun na nga, wala pang ber months last year, naglista na ako ng invited para sa party nya, naglista na ng mga need bilhin at gastusin para sa budget. January pa lang nagpa-reserve na sa Jollibee. At syempre naghanap na din ng mga sponsors. Hahaha. Pero matapos ang pagpa-plano, mauuwi pala sa quarantine party ang lahat.

Na-cancel lahat. Sa Jollibee party, sa cake at kung ano pa. Salamat sa kaibigan na nagbigay sakin ng ideya. Gawin ko na lang daw quarantine party ang theme since bawal din naman mag-imbenta. At ganun na nga ang kinahantungan.

Since long weekend dahil sa Eid’l Fitr, nag-leave na ako ng 26-27 para mas mahaba ang rest day ko at magawa ko lahat ng kailangan in 5 days. Ay wow! DIY lahat ng ginamit sa party ni Lourd. Ako ang gumawa ng banner, party hats, at kung ano pa. Alam kong wala akong ka-art-art sa katawan pero pwede na yan at no choice. Haha. Salamat din sa nakausap kong supplier at na-push ang cake ni Lourd (si Bumbleebee na lang since yellow and black din sya, na sakto sa color ng theme). Last minute naghanap ng gagawa ng cake kasi na-cancel yung taga-Sta Rosa. Salamat din sa mga Ninang na nag-sponsor ng cake. Hihi

At dahil tatlo lang silang bata sa party, itinodo ko na ang laman ng loot bags. Pang-1 week na candy na nila yan. Haha. Tingnan nyo kung gaano nabigatan si Lourd sa loot bag nya.

Araw-araw na ako nagluluto ng merienda nila. At alam kong ayaw na nila sa spaghetti ko. Haha. Kaya para pahinga talaga, nagpa-deliver lang kami ng Jollibee pan family spaghetti, chickenjoy bucket, burgers, at pizza. Yan na lahat ng handa namin, at nagkasya mula tanghalian hanggang hapunan! Yehey!

Salamat din sa padalang regalo ni Mama Thet. Hindi lang si Lourd ang masaya kundi pati ang dalawa nyang bisita. Lahat sila may binuksan na kalat este laruan pala ngayong araw.

Marami din naman virtually invited sa birthday party ni Lourd dahil nakikanta din ng happy birthday ang pamilya namin mula sa Tondo at Virac. Lahat kami halos may hawak na cellphone habang kinakantahan si Lourd (salamat sa Messenger. Hehe).

Picture taking, singing happy birthday kay Lourd, blow ng candle, kain kain kain, at swimming. Yan ang kabuuan ng quarantine party ni Lourd. Masaya naman daw sya at 7 years old na sya. At masaya din kaming lahat para sa’yo, anak. Maligayang kaarawan! Mahal ka namin. ❤

We Are Delaying Their Schooling For a Year and That Is Okay

After weeks ng ECQ, nag-chat sakin si James na huwag muna i-enroll ang mga bata for the next school year. Mas mainam na mag-stay sa bahay para mas safe sila. And I quickly said yes. Of course, top priority natin ang safety ng ating mga anak. 

Image Source

So bakit nga ba okay lang na ma-late sila sa eskwela? 

  1. Tulad na nga ng nasabi ko na, mas mahalaga ang kaligtasan at buhay ng mga anak namin. No questions asked. Bilang magulang, normal ka na maging praning. Hindi natin kontrolado ang mga mangyayari sa labas ng bahay natin. Kahit sabihin pa na they will follow social distancing and proper guidelines, mahirap pa rin makipagsapalaran. Mga bata yan, kung makokontrol mo man ang anak mo, hindi mo makokontrol ang ibang estudyante. Kahit ilang bote ng alcohol ang ipabaon mo, kahit ilang ilang face mask ang ipasuot mo. Mas panatag akong nakikita ko sila sa ganitong panahon, sa ganitong sitwasyon.
  2. Wala pang kasiguraduhan ang sitwasyon. Wala pang maayos na plano ang gobyerno para kahit papaano ay maibsan ang alalahanin natin sa pandemyang ito. Sa loob ng higit na dalawang buwan, hindi pa bumababa ang kaso. 
  3. Hindi ubra ang online classes sa toddlers sa pananaw ko. Isipin mo, ang mga bata sa classroom kaharap na teacher nila pero nawawalan pa ng focus sa klase. Ano pa yung virtual lang nila nakikita diba? Sa attention span ng mga anak ko, kailangan nito ng face-to-face discussion.
  4. Mahal ang homeschooling. Yes, mas mahal pa sa tuition nila sa school. Tapos ako pa ang magtuturo sa kanila. Haha. At bukod doon, hindi mo naman pwede aralin mismo habang itinuturo mo yun sa anak mo. Isipin mo, minsan nga nalilito ka na sa assignment ng grade 1, kailangan mo pang balikan. Homeschooling needs dedication, money, effort, and time. Sa pera hindi sapat, sa oras at effort naman waley din bilang working ako from 9am-1am (huwag mo na tanungin kung bakit). Pero don’t get me wrong, humahanga ako sa mga magulang na nagho-homeschool ng mga anak nila. Pero ayun nga, alam kong hindi ito para sakin.
  5. Kasama ko ang Mama ko sa bahay, who is vulnerable to Covid-19. Isa pa sa mahalagang dahilan kung bakit hindi pwedeng magka-virus ang mga bata. They say na statistically, pwede na natin payagan ang mga bata na pumasok sa school dahil mababa ang chance nila na mamatay sa sakit na ito. Which is a selfish reason. Kahit pa wala kang kasamang senior citizen sa bahay, alalahanin mo ang mga makakasalamuha ng anak mo. 
  6. Para sa peace of mind namin ni James. 😛

Sabi ni DepEd Secretary, wala daw learning ang mga bata pag nasa bahay lang. But I disagree. Hindi lang naman sa classroom may matututunan. Sa panahon na nasa bahay sila, pwede silang turuan maging independent. Maghugas ng sarili nilang plato, tumulong maglaba, magluto, maglinis, maligo ng sarili nila, turuan magbasa, magsulat, at kung ano pa.

Delay din naman ako ng 1 year sa school. Bilang hindi ako nag-attend ng kinder at diretsong grade 1 na ako noon, nabigla ako at nag-tantrums. Hindi kinaya ng parents ko kaya grade 1 pa lang pinahinto na nila ako. Haha. Kaya mas matanda ako ng 1 year sa mga classmates at friends ko. Pero okay lang naman ako ngayon, nakapagtapos naman ako ng kolehiyo at may maayos na trabaho. Kaya personally, alam kong magiging okay lang din ang mga anak ko kahit ma-delay sila sa school ng isang taon o hanggang masabi natin na safe na.