Roadtrip: La Union

Mula Cagayan diretso nang Iilocos Norte at Ilocos Sur ay walang pahinga ang mga drivers namin sa pagmamaneho. Naaawa na ako sa kanila kasi feeling ko super pagod na talaga sila. Nakakabilib yung tatag nila sa kalsada. Pagkatapos ng Ilocos roadtrip namin ay diretso na sa La Union. Doon kami tumuloy sa bahay ni Sir Edward sa Bacnotan. Nakakatuwa kasi sa likod mismo sya ng simbahan. Mga alas-dos na ng madaling araw kami nakarating at nag-pitch pa ng tent. Ayun at super bangag sa pagod, nakatulog ako ng hindi na naligo. Nyahaha. Pero ok lang, feeling fresh pa din! Hihi

Gumising kami ng maaga ni James dahil gusto namin umattend ng Hallelujah, para sana salubingin ang Paskong ng Pagkabuhay. Pero sa kasamaang palad ay hindi pa din namin naabutan. Kaya ayun, pumunta na lang kami sa simbahan pero hindi din namin maintindihan ang dialect ng misa at super antok pa din kami kaya nagdasal na lang kami at bumalik na sa bahay para mag-ayos.

20140420-0009
St. Michael the archangel Church @  Raois Bacnotan, La Union
Nag-attend kami ng misa. Para sana sa paskong pagkabuhay, kaso hindi namin maintindihan ang dialect nila.
Nag-attend kami ng misa. Para sana sa paskong pagkabuhay, kaso hindi namin maintindihan ang dialect nila.

20140420-0014

Visiting the church near our organizer's house.
Visiting the church near our organizer’s house.
Ang mga anghel. Hindi namin naabutan ang Halleluya.
Ang mga anghel. Hindi namin naabutan ang Hallelujah.

Pagkatapos mag-almusal ay pumunta na kami sa San Juan, La Union para mag-surf. May pina-raffle na dalawang free surfing lesson at board si sir pero hindi kami nanalo. 8am hanggang 11 kami andoon. Super init kaya ni hindi ko sinubukang maglublob man lang kahit ng paa ko sa dagat. At nakakatakot dahil may mga jelly fish pa! Hindi kami nag-surf dahil payapa ang dagat at mahina ang alon. Sayang lang! Kaya siguro next time na lang uli.

San Juan, La Union surfing spot.
San Juan, La Union surfing spot.
At San Juan, La Union.
At San Juan, La Union.

20140420-0028

Picture lang! Kunwari nag-surf. Haha
Picture lang! Kunwari nag-surf. Haha
Walang alon kaya hindi kami nag-surf.
Walang alon kaya hindi kami nag-surf.
Habang tinuturuan sila, nakikinig naman ako. Libreng training!
Habang tinuturuan sila, nakikinig naman ako. Libreng training!
nag-skim boarding na lang si tatay.
nag-skim boarding na lang si tatay.

Bumalik kami sa bahay nila sir pagkatapos nilang mag-surf para mag-tanghalian. Swerte! Saktong fiesta pala sa lugar nila. Ang sarap ng pinakbet at tinola. Nabusog ako ng bongga! Plus may saging at suman pa. Solve talaga. Super thank you sa pamilya at relatives ni Sir Edward Valmores sa maayos na pagtanggap sa amin. Sa uulitin po! Ay hindi pa pala tapos, dahil pagkakain ay diretso naman kami sa Luna, La Union at nagpunta sa falls. Ang init sa balat ng sikat ng araw habang nagte-trek kami paakyat. Pagdating namin doon ay maraming tao. Naglublob lang kami saglit sa itaas ng falls at nagpunta na sa ruins. Sorry, wala akong picture ng ruins.

Wala na sana akong balak mag-swimming pa dahil nga ang init na. Pero sinundo ako ni James sa van at sinabing masarap maligo doon sa dagat dahil puro pebbles. Hindi mainit at hindi masakit sa paa. Bumaba ako at nag-swimming din. Na-enjoy ko yung dagat dun sa Luna, sobra! Parang ayaw pa nga namin umalis ng mga kasama ko pero kailangan na at gagabihin na kami ng uwi pa-Maynila. 20140420-0070

Naglublob lang kami sa itaas kasi doon malinaw ang tubig ng falls. Grabe ang dami ng tao!
Naglublob lang kami sa itaas kasi doon malinaw ang tubig ng falls. Grabe ang dami ng tao!
Ang daming pamilya ang naliligo sa falls na ito.
Ang daming pamilya ang naliligo sa falls na ito.
At Luna, La Union. I really love this pebble beach!
At Luna, La Union. I really love this pebble beach! (c) Cate Esmilla
Enjoy na enjoy kami!
Enjoy na enjoy kami! (c) Cate Esmilla

Pagkatapos ng mahabang araw ng pag-surf, pag-trek sa falls at pag-swimming ay natapos na ang event. Oras na para maligo at umuwi. Sabay-sabay kaming naligo sa poso. Para kaming mga bata. Ang saya lang! 5pm na kami umalis ng La Union, ang dapat sang 6-7 hours na byahe ay naging 10 hours dahil sa bigat ng trapiko sa NLEX. Pero ok lang, pasalamat pa rin kami sa Diyos at ligtas kaming lahat na nakauwi ng bahay. Sa uulitin! ^_^

Published by meetlourd

What you see is not always what you get. ^_^

Leave a comment