Roadtrip: Palaui Island

Wala akong ideya kung ano ang meron at saan ang Palaui Island. Hindi sya nag-e-exist sa dictionary ko. Pero dahil super fan ng survivor ang isa sa mga malapit kong kaibigan at nagkukwento sya ng tungkol sa episode na ito na nag-shoot sa Cagayan ay naging interesado ako.

Pagkatapos ng mahabang byahe mula Maynila at pag-visita iglesia sa Cagayan ay dumiretso na kami sa Sta. Ana kung saan malapit ang Palaui. Pero dahil ginabi na kami ng dating ay hindi na kami sa Anguib Beach nakapag-camp dahil delikado na magbangka kapag gabi. Doon na lang kami nag-stay sa malapit na Nangaramoan Beach. Maganda sana ang beach na ito kaso dahil holy week ay dinagsa ng tao. Ni hindi na ako nagpasyang maligo sa dagat dahil halos puno ang pampang. Dito na kami naghapunan, ang bait talaga ng organizer namin dahil ang pagkakaalam ko ay hindi included ang dinner sa binayaran namin pero sya pa din ang nagpakain sa amin ng hapunan. Salamat Sir Ed!

After mag-pitch ng tent at mag-dinner ay start na ng socials. Pero dahil nga holy week at hindi kami pwedeng uminom ni James ay saglit lang kami nakipagkwentuhan at natulog na din. Ang dameng kwelang kwento ng sumunod na umaga. May nagluluto habang tulog, meron ding nagluto at iniwan ang niluluto dahil sa kalasingan. Mabuti at naubos na yung butane at hindi nasunog ang isda na piniprito. Hehe

Ito na ang hinihintay ko. Island hopping na! Lilibutin na namin ang ilan sa mga isla ng Palaui. Nagsimula kami sa isla kung saan nandoon ang Cape Engaño Lighthouse. Una ay nagkaroon ng pagtatalo kung aakayat ba sa lighthouse o hindi dahil sabi required daw ang guide na worth 300pesos para sa apat na katao. Hello! Ang lapit lang kaya nung lighthouse at tanaw na tanaw sa ibaba. Wala namang ligaw doon. Mabuti sana kung entrance fee na lang ang siningil nila sa isla. OA na yung may guide pa. At dahil pasaway kaming lahat, ayun at inakyat namin siya ng walang guide. Ang ganda ng view sa taas. Worth ang 15minutes na akyatan 🙂

Ito ang itsura ng Nangaramoan Beach na nakita ko sa google. Pero nag-iba ang itsura nya dahil sa dami ng tao. Hindi ko na nagawang picturan. Hehe
Ito ang itsura ng Nangaramoan Beach na nakita ko sa google. Pero nag-iba ang itsura nya dahil sa dami ng tao. Hindi ko na nagawang picturan. Hehe
First stop ng island hopping. Pampang kung nasaan ang lighthouse. With halo-halo jan!
First stop ng island hopping. Pampang kung nasaan ang lighthouse. With halo-halo jan!
Doon pa sa tuktok nyan ang lighthouse na aakyatin namin. Pero mukha lang naman mataas. Sa tunay na buhay madali lang akyatin.
Doon pa sa tuktok nyan ang lighthouse na aakyatin namin. Pero mukha lang naman mataas. Sa tunay na buhay madali lang akyatin.
Ang view sa kalagitnaan ng trail. Ang ganda!
Ang view sa kalagitnaan ng trail. Ang ganda!
The other side of the island. Kung saan napakalakas ng alon.
The other side of the island. Kung saan napakalakas ng alon.
another amazing view.
another amazing view.
Malapit na marating ang lighthouse. halos kita na ang kabuuan nung isla.
Malapit na marating ang lighthouse. halos kita na ang kabuuan nung isla.
Hello Cape Engaño Lighthouse of Palaui Island!
Hello Cape Engaño Lighthouse of Palaui Island!
20140418-0063
Another island that you can see at the lighthouse.
20140418-0054
With my love at the top.
Sobrang clear ng tubig!
Sobrang clear ng tubig!

Pinuntahan na namin ang pangalawang isla kung saan din nag-shoot ang Survivor Cagayan ng USA. Pero dahil gutom na ang lahat ay isang mabilisang picture lang at umalis na din kami agad at nag-lunch sa pinakamalapit na karinderya. Akala namin nasa malayong isla pa kami. Ayun pala ay karugtong lang ang lugar na iyon ng mainland ng Sata.Ana. Naloka pa ako dahil ang daming van at kotse doon pero wala akong nakikitang port ng mga roro. Hehe. Kaya pala!

survivor

20140418-0079

Nakapag-recharge na matapos magtanghalian kaya ready to fight na naman sa island hopping. Sunod naming pinuntahan ang Crocodile Island. Tinawag syang ganoon dahil sa hugis buwaya sya. Mabato sa islang ito, hindi ako ganun natuwa dahil super init at walang lilim na pwede mong pagpahingahan.

20140418-0089 20140418-0088

20140418-0097
May isang batang nagsosolo sa tubig ng batuhan. Hehe

Sa wakas! Ito na ang pinakahihintay kong Anguib Beach. Ito ang pinakamaganda sa lahat ng islang pinuntahan namin. Isa din ito sa mga isla kung saan nag-shoot ang survivor. Ang linaw ng tubig. Ang ganda ng paligid. Sayang at pahapon na kami nakarating sa isla na ito. Parang dalawang oras lang ata kami nagtampisaw sa tubig tapos ang mahal pa ng entrance. Huhu. Wawa naman organizer namin, ang dameng gastos. Saglit lang kami nag-picture at pagkatapos ay nag-enjoy na kami sa isla. Yung isla na ito parang pinaghalo-halo daw na Calaguas, Nagsasa at Boracay. Basta ang ganda nya. Kahit ito lang siguro ang napuntahan ko sa isang buong araw, ayos lang!

Napakalinaw ng tubig. Ang peaceful ng island na ito dahil konti lang ang tao.
Napakalinaw ng tubig. Ang peaceful ng island na ito dahil konti lang ang tao.
Mala-Anawangin dahil sa mga puno.
Mala-Anawangin dahil sa mga puno.
Emo ang tatay. Hehe. Ligo na!
Emo ang tatay. Hehe. Ligo na!
Naghahanap na ng magandang pwesto.
Naghahanap na ng magandang pwesto.
Ako ang pinaghalo-halong team brawn, beauty and brain. Charot! Haha
Ako ang pinaghalo-halong team brawn, beauty and brain. Charot! Haha
Hello Patrick Star!
Hello Patrick Star!
20140418-0119
Sunset at Anguib, Palaui Island.

Bago maggabi ay bumalik na din kami sa Nangaramoan Beach dahil mahirap na daw magbangka kapag madilim na dahil mabato ang ilang parte ng isla. At pagdating namin sa lugar ay nawawala ang tent namin dahil nilipad ng hangin. Huhu. Mabuti at hindi nabali ang mga poles at nahanap namin lahat ng pegs. Hehe. Salamat pa din sa nakakapagod pero masayang island hopping na ito!

20140419-0004
Nakapagpicture pala ako sa Nangaramoan Beach pero ito lang mga lakwatsero at lakwatserang nalgene namin. Hehe
Bye Cagayan!
Bye Cagayan!
20140419-0035
Oha! Byahe na naman pagsapit ng umaga. Mamaya hello Ilocos na!

Abangan ang susunod na kabanata. 🙂

Published by meetlourd

What you see is not always what you get. ^_^

2 thoughts on “Roadtrip: Palaui Island

Leave a comment